“POLUSYON”
Sanaysay ni: JELLY M. EMILIA
Tayo ay naninirahan sa isang napakalawak na mundo, kung saan
dito nabuo ang ating magandang buhay.Sa mundong ating kinagagalawan naranasan
natin ang iba’t ibang klase ng pamumuhay sa iba’t ibang klase ng pamilya na
ating kinabibilangan. Pero hindi maiiwasan ang pag kakaroon ng problema sa atin
kapaligiran a kalikasan, lalong-lalo na sa ating mga tao, mahirap man o mayaman
ang iyong estado sa buhay tayo ay naapektuhan sa problemang kinakaharap ng
ating bansa.
Sadyang mahirap harapin ang katotohanan na sa kabila ng
lahat ng mga kinakaharap na problema, tayo ang sadyang gumagawa at naaapektuhan
nito. Hindi natin kailangang isisi lahat sa ating pamahalaan ang pagkakaroon
nito kung alam natin na may kasalanan din tayo. Ang problemang ito ay hindi
madaling masolusyunan ng madalian at agad agaran, ito ay kailangan ng
pagtutulungan ng isang pamayanan o bayan. Isa sa problema natin ay ang
“POLUSYON” hindi natin maiiwasan ito lalong-lalo na kung sa atin mismong mga
tao nagmumula. Ito ay nararanasan ng lahat, tao, hayop at halaman ay
naaapektuhan, pati ang ating maayos na pamumuhay. Dati rati nakakalanghap tayo nang sariwang hangin, nakakakain ng mga sariwang isda. Ngayon iba't-ibang klase ng polusyon pero walang pinagkaiba kung sino ang may gawa at naapektuhan nito. Hindi maipagkaila na ang ating mundo ay mas umuunlad ang iba't-ibang uri ng teknolohiya. Isa pa sa dahilan ng pagkakaroon ng polusyon ay ang mga pabrika at sasakyan. Bawat tao ay nangangarap na magkaroon ng sariling sasakyan kung anu ang bagong uri ng sasakyan ay agad na bibilhin. Kung baga ang bawat tao ay nagpapayabangan ng kanilang pag aari na hindi nila naisip kung anu ang epekto nito sa kapaligiran at sa kalusugan ng bawat isa. Dahil sa polusyon tayo ay nagkakasakit dahil marumi ang hangin na ating nalalanghap . Ang mga isda at pagkaing halaman na ngayon ay mayroon na ring mga halong kemekal na hindi natin nalalaman na masama na pala ang ipekto sa ating kalusugan. Kapag ang problemang iot ay lumala kanya-kanyang pagpataw o pagsisi sa nasa itaas na nanunungkulan sa bawat pamayanan sa bansa.
Kung ikaw man ay estudyante at kawani ng gobyerno tayo ay may kasalanan at pananagutan sa problemang ito."Tayo ang gumawa at nagsimula, Tayo ang mag-isip ng solusyon at maglutas ng problema". Bawat isa sa atin ay may ginagampanang tungkulin, Bawat isa ay makakatulong sa paglutas nito. Bawat isa ay may karapatang simulan ang paglutas ng problema. Bawat isa ay may ma itutulong bata man o matanda. Dahil lahat tayo ay kasali sa pagkakaroon ng problema sa kapaligiran. Lahat tayo ay nangangarap na malutas ito upang ang sa susunod na henerasyon ay makakalanghap ulit ng sariwang hangin at makakain ng sariwang isda. Kaya huwag magsisihan, tangapin ang katotohanang tayo ang may kasalanan.